Anim patay sa nasunog na bangka sa Naga , Cebu

Anim ang patay matapos masunog ang isang bangka habang nasa karagatang sakop ng Naga, Cebu.

Sa report ng Philippine Coast Guard, ligtas naman ang anim na iba pang sakay ng bangkang pangisda na King Bryan pero ang isa sa kanila nagtamo ng 3rd degree burn.

Ayon sa PCG, 12 ang sakay na crew ng nasabing bangka ng mangyari ang insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan mg nangyaring sunog.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *