Animnapu’t siyam na bagong laptops at satellite receivers, ipinagkaloob sa mga pampublikong paaralan sa SJDM, Bulacan

Bilang suporta ng lokal na pamahalaan sa DepEd Schools Division ng San Jose del Monte, 69 na brand new laptops at satellite receivers ang ipinagkaloob sa mga pampublikong paaralan sa SJDM, Bulacan.

Layon nitong mapaigting ang kanilang serbisyo sa pagtiyak sa mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga kabataang San Joseño, sa kabila ng umiiral na pandemya.

Ito ay inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa pamumuno ni Mayor Arthur B. Robes, ito ay para na rin sa patuloy na pagpapabuti ng implementasyon ng Blended Learning sa Lungsod.

Ulat ni Aianna Vayne Riel

Please follow and like us: