96 na mga LSI sa Maynila nakauwi na sa Roxas City Capiz

Nasa 96 na mga locally Stranded Individuals o LSI ang tinulungang makauwi ng Capiz Provincial Gov’t. katuwang ang Philippine Airlines Special Flight. 


Ang mga naturang LSI ay pawang mga dumaan sa tamang proseso ng Covid 19 Quarantine bago isinakay pabalik sa kanilang probinsya sa Capiz. 


Pagdating sa Roxas City Airport ay inasistehan din ang mga naturang LSI ng mga tauhan mula sa PDRRMO Capiz para tuluyan nang makauwi sa kani-kanilang mga munisipalidad. 

Ulat ni Jet Hilario

Photo credits: PDRRMO Capiz
Mga LSI na nakabalik na sa kanilang probinsya sa Capiz.
Please follow and like us: