Annabelle Rama Gutierrez sinampahan ng cyber libel case sa piskalya sa Las Piñas

Nahaharap sa reklamong cyber libel sa piskalya sa Las Piñas City ang talent manager na si Annabelle Rama Gutierrez.

Ang kaso ay inihain ng NBI matapos ang isinagawang imbestigasyon sa reklamo ng kampo ng actor-producer na si Jayke Joson.

Nag-ugat ito sa pagtawag ni Rama kay Joson na magnanakaw at iba pang malisyosong pahayag sa mga social media posts nito.

Courtesy: Jayke Joson

Inirekomenda ng NBI na sampahan ng cyber libel case si Rama matapos makitaan ng merito ang complaint ng mga abogado ni Joson na sina Larry Gadon at Ramon Esguerra.

Sinabi naman ni Joson na first nominee ng Frontliners Ang Bida Partylist na isinulong niya ang kaso para labanan ang isang bully at spreader ng fake news.

Hinimok din niya ang iba pang biktima ng online bullying na lumapit sa mga otoridad at kasuhan ang mga offender lalo na’t talamak na sa social media ang pagpapakalat ng pekeng balita at cyber libel.

Moira Encina

Please follow and like us: