Annabelle Rama Gutierrez, sinampahan ng Cyber libel case sa piskalya sa Las Piñas

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation ng libelo sa Las piñas Prosecutors office ang talent manager na si Annabelle Rama Gutierrez.

May kaugnayan ito sa isinampang reklamo ng negosyanteng si Jayke Joson na kasong libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention act.

sa talent manager na si anabelle rama.

Sa reklamo ni Joson, noong October 20, 2021 ay nag-post sa kaniyang social media account na instagram si Rama at tinawag na magnanakaw si Joson.

Fake news at masyado aniyang malisyoso ang mga pahayag ni Rama at mapang-insulto sa kaniyang pagkatao.

Maliban sa walang katotohanan ang pahayag ni Rama, Cyber bullying umano ang ginagawa nito at niyurakan ang kaniyang pagkatao sa gitna pa naman ng kaniyang pagtakbo bilang opisyal ng gobyerno.

Si Joson ay first nominee ng frontliners partylist para sa eleksyon 2022.

Meanne Corvera

Please follow and like us: