Annual regional bloc’s foreign ministers gathering and ministerial retreat program sa Singapore, nagsimula na

 

Nagsimula na ang taunang Regional bloc’s foreign ministers’ gathering and ministerial retreat sa Singapore bilang bahagi pa rin ng hosting ng nasabing bansa sa Asean ngayong taon.

Ang 3 araw na aktibidad na ito ay pinangunahan ni Foreign Affairs minister Vivian Balakrishnan.

Sa statement na ipinalabas ng Ministry of Foreign Affairs ng Singapore, very timely ang ganitong pagtitipon para talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa kahihinatnan ng Asean community for 2025.

Inaasahan din na kasama sa matatalakay ang isyu sa Cybersecurity at sisimulan na ring talakayon ng mga foreign ministers ang isyu sa agawan ng teritoryo sa South China sea.

Umaasa naman ni Balakrishnan na pagtutuunan ng pansin at maide-develop ang network of asean smart cities na magkokonekta sa mga tao at sa ekonomiya sa Asean region kasama ang mga pananaw at solusyon na pakikinabangan ng mga bansa sa rehiyon.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *