Anti illegal drug campaign policy hindi babaguhin ni Pangulong Duterte kahit maging mitsa ng kanyang impeachment

Naninidigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya babaguhin ang patakaran sa kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na tatapusin niya ang kampanya sa ilegal na droga kahit ito ay maging mitsa ng kanyang impeachment.

Ayon sa Pangulo ang kampanya laban sa ilegal na droga ay isa sa tatlong ipinangako niya sa sambayanang Pilipino kasama ang paglaban sa korapsyon at kriminalidad.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos umani ng batikos ang pagkakapatay ng police Caloocan sa menor de edad na si Kian Lloyd delos Santos sa isinagawang one time big time anti drug operations.

Niliwanag ng Pangulo na malinaw ang kanyang kautusan na wasakin ang aparatu ng ilegal na droga kasama ang paghuli sa mga drug personalities na kung lalaban sa mga otiridad ay hahantong sa kanilang kamatayan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *