Apat na barangay matinding naapektuhan ng lindol sa Lanao

Matindi na rin ang epekto ng magnitude na lindol sa Lanao del Sur.

Ayon kay Jennie Taano, information officer ng Lanao, umaabot  na sa apat na barangay ang apektado ng lindol at wala na ring suplay ng kuryente.

Tatlumpung bahay ang nawasak at nagkaroon rin ng crack ang highway sa barangay Panang sa Wao  na umabot sa apat na pulgada.

Nagkaroon rin aniya ng bitak ang dalawang Mosque doon habang inilikas ang mga pasyente ng isang ospital doon.

Wala pang iniuulat na casualties sa nangyaring lindol.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: