Apat na enforcer ng Carmona Traffic Management office, binigyan ng pagkilala dahil sa pagiging tapat sa tungkulin

Ginawaran ng Certificate of Commendation ang apat na enforcer ng Carmona Traffic Management Office na sina Loreto Mendoza, Arnel Laudiza, Jay-jay Amarante at Adrian Ortiz.

Ang sertipiko ay ipinagkaloob ni Carmona Mayor Atty. Roy Loyola.

Ang mga nasabing Traffic enforcer ay tumangging tanggapin ang suhol na iniaalok ng mga nahuli nilang motorista na lumabag sa batas trapiko. 

Sinabi pa ng alkalde na karapat-dapat silang tularan ng iba pang kawani ng pamahalaan dahil sa kanilang pagiging tapat sa kanilang tungkulin.

Aniya, dapat magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat para gumawa ng mabuti at mabuhay ng may integridad.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: