Apat na miyembro ng pamilya, arestado sa buy-bust operation sa Makati city…30,000 ng shabu, nasabat

Magkakasamang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Cembo, Makati city ang mag-a-ama.

Nakilala ang mga naaresto na sina Homer, Jomar, Gomerciando Jr. at Gomercindo Sr. Camarador.

Bukod sa pagtutulak ng droga, panghoholdap din ang ginagawa ng isa sa arestado na si Homer pero itinanggi naman niya ang alegasyon.

Sabi naman ng ama na si Gomerciando sr. na ganito na pala ang ginagawa ng kanyang mga anak sa kanilang tahanan.

Ayon sa Makati city police marami na anilang reklamo at blotter din si homer dahil sa ginagawa nitong panghoholdap bukod pa sa ginagawang pagtutulak ng droga.

Kinatatakutan din anila ang pamilya sa kanilang lugar.

Nakuha sa mga suspect ang 60 piraso ng shabu na nagkakahalaga ng 30,000 piso, walong piraso ng bala ng 9mm pistol at drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspect at maging sa kasong illegal possession of ammunition.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *