Apat pang kawani ng DOJ nagpositibo sa Covid-19

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na apat pang tauhan ng Department of Justice (DOJ) ang nagpositibo sa Covid-19.

Ayon sa kalihim, ang mga ito ay tatlong security guards at isang administrative aide.

Nasa quarantine facilities na anya ang apat na empleyado.

Nagsagawa na rin ng disinfection sa mga lugar na apektado sa nagdaang weekend.

Sinabi ni Guevarra na hindi kailangang magpatupad ng lockdown sa DOJ.

Ito ay maliban na lang anya kung mas maraming kawani ang magpositibo sa virus matapos na sumailalim sa swab test ang mga DOJ staff na nakasalamuha ng apat.

Una nang nagpositibo sa Covid-19 ang 15 tauhan ng DOJ Head office sa Padre Faura, Maynila pero lahat ng mga ito ay gumaling na.

Moira Encina

Please follow and like us: