Apat pang lulutang na miyembro ng DDS posibleng magcorroborate sa testimonya ni SPO3 Lascanas

Kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes na lulutang na rin ang apat pang dating miyembro ng Davao Death Squad.

Ayon kay Trillanes, ang apat ang magpapatunay na may nabuong DDS na ang target ay pumatay ng mga adik at kriminal batay umano sa utos ni dating Mayor at ngayo’y si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Trillanes, inaalam na nila kung totoo ang alegasyon ng mga ito laban sa Pangulo at kung sinsero sila na harapin ang panganib kapalit ng kanilang paglantad at ilalabas na alegasyon.

Maaring aniyang mag corroborate ang mga bagong witness sa mga naunang alegasyon nina Edgar Matobato at ni retired SPO3 Arturo Lascanas.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.