Apat patay nang bumagsak ang isang navy patrol plane sa South Korea

0
BUMAGSAK NA NAVY PLANE SA SOKOR

Firefighters work on wreckage of South Korean navy’ maritime patrol aircraft that crashed on a mountain in Pohang, South Korea, May 29, 2025. Yonhap via REUTERS

Patay ang lahat ng apat na crew members ng isang South Korean maritime patrol aircraft, na bumagsak sa isang bundok makaraang mag-takeoff malapit sa isang military base sa southern city ng Pohang.

Sinabi ng navy nabumagsak ang P-3 aircraft mga anim na minuto pagkaalis nito sa isang airfield para sa siang training mission.

Makikita sa video footages ng saksi na ipinalabas sa YTN television, ang mababang lipad ng eroplano na sinundan ng makapal na usok at apoy makaraang bumagsak.

Nakuha na ang labi ng mga namatay na crew at ayon sa navy ay wala namang nadamay na sibilyan sa nangyari.

Samantala, sinuspinde muna ang operasyon ng P-3 aircraft at binuksan na rin ang isang accident investigation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *