Siyam sa 10 preso na pumuga mula sa Malibay Detention Facility sa Pasay, arestado na muli ng pulisya (updated)

Hawak na muli ng mga otoridad ang 9 sa 10 inmates na tumakas mula sa Malibay Detention Facility sa Pasay City kahapon, Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Southern Police District (SPD), ang tatlo na pinakahuling naaresto ay sina Romeo Estopa sa Pasay City, Carlo Magno Benvides sa Imus, Cavite at Norman Deyta sa Pasay kaninang umaga.

Kinilala ang iba pang mga nadakip na sina Joey Hernandez, Eden Garcia, Tirzo Galit, Joshua Panganiban, Christian Salvatierra, at John Michael Cabe.

Sa ngayon hinahanap pa rin ng pulisya ang presong si Richard Dela Cruz na nahaharap sa kasong possession of illegal drugs.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *