Aplikasyon sa 2023 Bar Exams, sinimulan na

Binuksan na ng Korte Suprema ang aplikasyon sa 2023 Bar Examinations.

Partikular na para sa mga bagong aplikante o ang mga kukuha ng bar exams sa unang pagkakataon.

Magtatagal ang application period para sa new applicants hanggang sa Abril 30, 2023.

Kaugnay nito, inilunsad ng Korte Suprema ang bagong online application platform para sa 2023 Bar Exams na Bar Application Registration Information System and Tech Assistance (BARISTA).

Itinakda naman sa Mayo 1, 2023 hanggang Hulyo 8, 2023 ang pagsusumite ng aplikasyon ng previous bar takers at refreshers.

Kabuuang P12,800 naman ang gugol sa bar application.

Ayon sa SC, gagamitin ito para sa pagbayad software licensing, venue rentals sa local testing centers, at safety measures.

Ang ibang gastusin ay sasagutin naman ng Korte Suprema.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *