Aplikasyon sa mababakanteng pwesto sa SC at Ombudsman binuksan na ng JBC

Isa pang mahistrado ng Korte Suprema ang magreretiro ngayong taon.

Ito ay si Associate Justice Bienvenido L. Reyes na sasapit sa mandatory retirement age na 70 years old sa Hulyo a -sais ngayong taon.

Kaugnay nito, binuksan na ng Judicial and Bar Council  ang aplikasyon para sa nasabing mababakanteng pwesto sa Supreme Court.

Tumatanggap na rin ng rekomendasyon o aplikasyon ang JBC para sa mga posisyon ng Special Prosecutor of the Office of the Ombudsman at 3 regular members ng legal education board.

Ang termino ni Ombudsman Special Prosecutor Wendell E. Barreras-Sulit ay magtatapos sa March 11, 2017.

Habang ang regular members na sina Dean Fe Bataller Aňonuevo , Atty. Manuel R. Riguera, at Dean Antonio H. Abad ay nagtapos noong January 13.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.