Approval ng 2020 National Budget, tiniyak na hindi maaantala

Kumpiyansa ang liderato ng Senado na hindi maaantala ang approval ng 2020 National Budget ngayong taon.

Sa harap ito ng giriian sa pagitan nina Senador Panfilo Lacson at mga Kongresista sa isyu ng pork barrel.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Finance committee, bumuo sila ng siyam na sub-committees at halos matatapos na ang paghimay sa pondo ng mga departamento ng gobyerno.

Katunayan, ngayong araw anim na ahensya ang nakasalang sa budget hearing kabilang  na ang Department of National Defense, Department of Agriculture, Tourism at iba ang ahensya.

Binubusisi aniya nilang mabuti ang bawat detalye ng pondo at tiniyak na mabibigyan ng prayoridad ang mga programa ng pamahalaan.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *