Arm band ng mga Senador laban sa People’s Initiative

Nagsuot ng maroon na arm band ang mga Senador  bilang pagtutol sa isinusulong na People’s Initiative ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Pagpasok pa lang ng gusali ng Senado, namimigay na ng mga arm band sa lahat ng mga empleyado at mga bumibisita sa Senado.

Ayon sa mga Senador,  ito’y bilang pagtutol ng institusyon sa plano ng mga Kongresista na tanggalin ang Senado .

Babala ng mga Senador, kapag hinayaan at nagpatuloy ang People’s Initiative iisang tao na lang ang maaring magdesisyon para amyendahan ang konstitusyon na hindi maganda para sa taumbayan.

Umapila rin ang mga mambabatas sa mga opisyal ng pamahalaan na tigilan muna ang bangayan at unahin ang tunay na problema ng bayan.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *