Atty. Gigi Reyes pinayagang makalabas ng Camp Bagong Diwa para sumailalim sa medical procedure

Pinagbigyan ng Sandiganbayan 3rd Division ang kahilingan ng dating Chief of staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes na sumailalim sa medical procedures.

Base sa tatlong pahinang resolusyon ng anti graft court, pinapayagang lumabas ng kanyang piitan si Reyes sa Huwebes, Sept. 7 simula alas nueve ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Nakasaad sa resolusyon ng korte na sasailalim ito sa panoramic xray sa YSA Dermatology and Dentistry Clinic at tooth extraction surgery sa Center for Advanced Dentistry sa BGC, Taguig City.

Sasagutin ni Reyes ang gastos sa kanyang dental procedures at transportasyon patungo sa nasabing mga lugar at pabalik ng piitan.

Pinadoble naman ng Sandiganbayan sa BJMP ang seguridad ni Reyes.

Pinagsusumite din ng korte ang doctor at BJMP ng report sa loob ng limang araw matapos ang dental procedure kay Reyes.

Si Reyes ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig kaugnay sa kasong pandarambong may kaugnayan sa PDAF scam ni dating Senate President Enrile.

UlAT NI: Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *