Atty. Rico Quicho dismayado sa pag-basura ng DOJ sa reklamo niya laban kay Sen. Koko Pimentel

Dismayado ang abogadong si Rico Quicho sa  pag-abswelto ng DOJ kay Sen. Koko Pimentel sa reklamo niya laban dito sa isyu ng paglabag sa quarantine protocols.

Sa kanyang Facebook page, tinawag ni Quicho na “bulag, pipi, at bingi” ang DOJ matapos na ibasura ang reklamo laban sa senador.

Ayon kay Quicho, bahala na ang taumbayan na humusga basta ginawa na niya ang kanyang parte a sampahan ito ng reklamo.

Nag-ugat ang reklamong paglabag sa Mandatory reporting of notifiable diseases laban kay Pimentel dahil sa sinasabing pagsuway nito sa quarantine protocols nang magtungo pa rin nito sa ospital kahit naghihintay pa ito ng resulta ng kanyang COVID test at nakasalamuha ng COVID positive.

Moira Encina

Please follow and like us: