Senador Lacson, tinanggap na ang paumanhin ni Sec. Galvez pero pinahaharap pa rin sa Senate hearing

Tinanggap na ni Senador Panfilo Lacson ang paghingi ng paumanhin ni Vaccine Czar Carlito Galvez.

Ayon kay Lacso, kuntento siya sa paliwanag ni Galvez dahil nakita aniya nila ang mga dokumento para sa pagbili ng Covid-19 Vaccines.

Marami rin aniyang nilinaw na isyu si Galvez gaya na ang pangamba ng mga Senador sa Vaccination program kaya wala silang duda sa integridad at sinseridad nito.

Gayunman, pinayuhan ng mga Senador si Galvez na humarap pa rin sa pagdinig ngayong araw at ipaliwanag ang mga kontrata nang hindi nalalabag ang Terms of Agreement sa mga suppliers ng bakuna.

Meanne Corvera

Please follow and like us: