Atty. Vic Rodriguez, nominado bilang Executive Secretary ng susunod na administrasyon

Inirekomenda na ni President- elect Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang long-time Chief of Staff at spokesperson na si Atty. Vic Rodriguez bilang susunod na Executive Secretary ng kaniyang administrasyon.

Si Rodriguez na isang 48-year old lawyer ay kilala sa kaniyang pagiging consistent at loyal at nanindigan sa panig ni BBM sa mga hamon nito sa larangan ng pulitika.

Malugod namang nagpasalamat si Rodriguez sa pagkakahirang sa kaniya st sinabing isang karangalan sa kaniya na makatrabaho si BBM na kilala na niya sa napakahabang panahon at naniniwalang tapat na mapaglilingkuran at mapamumunuan ang bayan.

Tiniyak naman ni Rodriguez na magdodoble trabaho ang kaniyang team at susuklian niya ng pagsisikap ang tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng susunod na Pangulo.

Please follow and like us: