Paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

May dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa fuel forecast ng Unioil Petroleum Philippines para sa May 24- 30 trading week, posible ang bawas presyo sa kada litro ng diesel na nasa P2.00 hanggang P2.20.

Gayunman, maaari namang tumaas ang presyo ng gasolina sa P3.80 hanggang P4.00 kada litro.

Martes ng nakalipas na linggo ay nagpatupad ng bigtime rollback sa presyo ng langis na umabot sa P0.40 sa kada litro ng gasolina at higit P3.00 naman sa diesel.

Please follow and like us: