Babae patay habang sinasagip ang dalawang nalulunod na binatilyo sa Sariaya,Quezon

Patay ang isang babae habang sinasagip nito ang dalawang nalulunod na menor de edad sa isang beach resort sa Sariaya, Quezon.

Dead on arrival sa ospital sa Lucena City ang biktimang si Juvelyn Cabrera, residente ng Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas .

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sariaya police,  nag-a-outing ang magkakapamilya sa isang resort sa   Brgy Guis-Guis Talon ng mangyari ang insidente.

Pasado alas 4:00 ng hapon habang naliligo ang dalawang menor de edad  ay biglang natangay ang mga ito ng alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.

Agad na sinaklolohan ni Juvelyn ang mga ito at agad na nadala sa mababaw na bahagi ang isang binatilyo.

Subalit ng balikan nito ang isa pang binatilyo ay tinangay na rin ito ng alon .

Nasagip naman ng mga residente sa lugar ang isa pang binatilyo.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima subalit ideneklara itong dead on arrival sa pagamutan.

Allan LLaneta

Please follow and like us: