Bacoor City Government, muling nagsagawa ng Mass swab testing

Muling nagsagawa ng mass Swab testing ang city governmwnt of bacoor, cavite para sa kanilang mga mamamayan sa siyudad.
Isinailalim sa mass swab testing ang nasa isang libo katao sa district 1 ng bacoor city. 
Kinabibilangan ito ng mga empleyado, mga tindero sa talipapa, mga driver ng jeep, multicab, at tricycle. 
Bahagi ito ng kampanya ng bacoor city government para labanan ang covid 19 sa kanilang bayan. 
Agad namang natapos ang mass swab testing sa lugar sa tulong na rin ng kanilang mga mobile swab testing facilty at tulong mula sa mga tauhan ng DOH, Local IATF, at sa Provincial Govt. of Cavite.
Pagkatapos naman ng mass swab testing ay agad na isinailalim sa disinfection and sanitation procedure ang lugar na pinagsagaawaan ng mass testing. 

Jet Hilario

Please follow and like us: