Dept. of Agriculture -Calabarzon, namahagi ng 1,000 mga sako ng organic fertilizers sa mga local farmer sa Silang Cavite.

Aabot sa isang libong sako (1,000) ng mga organic fertilizers mula sa Dept. of Agriculture Calabarzon ang ipinamahagi ng Silang Municipal Agriculture Office para sa kanilang mga magsasaka sa kanilang bayan. 
Ito ay bahagi ng quick reaponse fund ng D.A region 4a para sa mga magsasakang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagsabog ng bulkang taal nitong Enero ng kasalukuyang taon. 
Nagpapasalamat naman ang mga opisyal mula sa Silang Municipal Agriculture Office maging ang mga local farmer sa kanilang bayan dahil sa tulong na ibinigay sa kanila ng Dept. Agriculture. 
Ayon kay Silang Municipal Agriculturist na si Ms. Adelia  Poblete, Inaasahan nilang may karagdagan pang mga sako ng pataba ang ipagkakaloob sa kanila para sa mga magsasaka sa kanilang bayan. 

[Photos Courtesy of Silang MAO Ms. Adelia V. Poblete]
Please follow and like us: