Baganga Davao Oriental , niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Northeast Coast ng Baganga, Davao Oriental kaninang umaga.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang pagyanig kaninang 5:19 ng umaga

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na naitala sa lalim na 17 kilometro

Naramdaman ang Intensity III na pagyanig sa Lingig, Surigao del Sur

Habang Intensity II – City of Bislig, Surigao del Sur  at Intensity I naman sa City of Tandag, Surigao del Sur; City of Cabadbaran, Agusan del Norte.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *