Bagong Commissioner Nelson Celis isusulong daw ang digitalization sa Comelec

Bilang isang eksperto pagdating sa information technology, ang digitalization sa Commission on Elections ang prayoridad ni bagong Comelec Commissioner Nelson Celis.

Ayon kay Celis, sang ayon na rin ito sa nais na direksyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Giit niya, hindi lang naman sa Automated Election Law nakabase ang digitalization.

Si Celis ay una ng nanumpa sa pwesto bilang bagong Commissioner ng poll body kahapon.

Pero kahit nakapanumpa, kailangan parin syang makumpirma ng Commission on Appointments sa oras na magbalik sesyon na ang Kongreso.

Madelyn Villar -Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.