Bagong DOF Secy, malaki ang maitutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas – Senators

Positibo ang mga Senador na lalo pang aangat ang ekonomiya ng bansa sa pagkakatalaga kay House Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong Kalihim ng Department of Finance (DOF).

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, walang duda na magiging mahusay na Finance Secretary si Recto na dati nilang kasamahan sa ay itinuturing nilang “resident numbers genius”.

Hindi lamang anila dahil sa galing ng mambabatas sa matematika kundi sa kakayahan nitong makita agad ang epekto ng mga numero sa ekonomiya.

Sinabi naman ni Senator Sonny Angara na ang kaalaman ni Recto sa political at fiscal structures ng bansa ay mayroong magandang idudulot sa hinaharap ng Pilipinas.

Suportado rin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang appointment ni Recto lalo’t kaakibat ng posisyong ito ang isang mahirap na tungkulin.

Para kay Senator Chiz Escudero, isang magandang dagdag sa gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos si Recto para iangat pa ang ekonomiya ng Pilipinas.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *