Bagong IRR ng Anti-Distracted Driving Act, ilalabas na bukas

anti1

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Ilalabas na bukas ng Land Transportation Office ang bagong Implementing Rules and Regulations ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Noong Mayo 23 pinatigil muna ng Department of Transportation ang implementasyon ng ADDA matapos na magdulot ito ng kalituhan sa mga motorista.

Sa ilalim ng  nasabing batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga electronic at cellular devices sa dashboard at windshield ng sasakyan.

Pero makalipas ang ilang araw, nadagdagan ang mga bagay na ipinagbabawal gaya ng paglalagay ng mga accessories.

Samantala, sa ilalim ng bagong IRR, pwede nang maglagay ng electronic devices basta’t hindi ito lalagpas ng apat na pulgada, sukat na dumaan sa konsultasyon ng lto sa drivers’ association.

May 15-day period bago ipatupad ang ADDA matapos mailathala sa mga pahayagan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *