Bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, bahagyang tumaas sa 2,227 ngayong Linggo

Tumaas sa 2,227 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, ayon sa Department of Health, umakyat na sa 2,826,410 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa na may 21,101 active cases.

Mayroon namang naitalang 3,152 bagong mga gumaling kaya umabot na sa 2,758,235 ang kabuuang nakarekober sa karamdaman.

Habang nakapagtala rin ng bagong 175 namatay kaya pumalo na sa 47,074 ang kabuuang namatay sa bansa dahil sa Covid-19.

Please follow and like us: