Panibagong oil price rollback, asahang ipatutupad ngayong linggo

Isa na namang oil price rollback ang inaasahang ipatutupad ngayong darating na linggo.

Sa fuel projections ng Unioil Petroleum Philippines, para sa November 23 -29 trading week, maaaring bumaba sa P1.10 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.

May bawas presyo rin ang kada litro ng gasolina ng P0.90 hanggang P1.00.

Matatandaang noong nakalipas na linggo ay nagpatupad ng P0.90 tapyas presyo sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanya ng langis maliban sa diesel.

Please follow and like us: