Bagyo inaasahang papasok na bukas sa PAR – PAGASA

Hinimok ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto kahit nasa bakasyon dahil sa paparating na sama ng panahon sa weekend.

Ayon sa PAGASA mabilis ang development ng low pressure area (LPA) na namataan sa Silangang bahagi ng Mindanao.

Kaya naman, inaasahang bukas ay isa na itong bagyo bago pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kabilang sa mga lugar na makakaranas ng hangin at ulang dala ng nasabing weather disturbance ang Caraga region, Eastern Visayas, Bicol Region at mga karatig na lugar.

Samantala, kung sa marami ay nakakabahala ang papalapit na sama ng panahon, maraming magsasaka naman ang nagsabing blessing in disguise dahil kinakapos na sa tubig ang maraming sakahan sa Luzon at Visayas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *