Bahagi ng Manila North Road sa Pagudpud, Ilocos Norte bukas na sa mga motorista

Matapos maisara pansamantala dahil sa magkakasunod na bagyo, bukas na sa mga motorista ang bahagi ng Manila North Road sa Sitio Banquero , Barangay Pancian sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Sa ulat ng Department of Public Works and Highways Region 1, 2 linya na ng nasabing kalsada ang kanilang nabuksan at pwede ng daanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Matatandaang dahil sa magkakasunod na bagyo ay nagkaroon ng pagguho ng lupa sa lugar na tumabon sa bahagi ng kalsada.

Tiniyak ng DPWH ang pagpapatuloy pa ng clearing operation ng kanilang Maintenance Team para maiayos ang mga apektadong kalsada sa lugar.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *