Bakuna Nights para sa mga manggagawa sa QC, sinimulan na

Umabot sa 2,000 pre-registered essential workers o mga kabilang sa A4 category ang nabakunahan kagabi sa inilunsad na Bakuna Nights sa Quezon City Hall Grounds.

Ang oras ng pagbabakuna ay inilaan para sa mga manggagawang hindi makakapag-absent o makakapag-leave sa kanilang trabaho sa umaga.

Partikular ang mga No work, No pay personnel.

Ayon sa City Government, inisyatibo ito ng lokal na pamahalaan upang matiyak na magign protektado laban sa Covid-19 ang mga manggagawa ng lunsod.

Please follow and like us: