Bakunahan sa Maynila tuloy ulit ngayong araw

Tuloy na ulit ang mass vaccination kontra COVID-19 sa Maynila ngayong araw.

Kahapon hindi muna nagsagawa ng bakunahan para bigyang daan ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

Sa abiso ng Manila LGU, ang bakunahan ay gagawin sa 44 na health centers sa lungsod, 4 na mall sites at 6 na district hospitals sa lungsod.

Puwede naman ang walk in pero kailangan pa rin daw magparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph para sa mas madaling proseso sa pagpapabakuna.

Sa datos ng Manila LGU, umabot na sa mahigit 3.5 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang kanilang naiturok.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: