Balasahan sa Gabinete, nakaamba – Malakanyang


Namimiligrong masibak sa puwesto ang ilang kalihim sa ibang tanggapan ng Gobyerno dahil sa bagsak na performance sa kanilang trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque hindi masaya ang Pangulo sa nagiging trabaho ng ilang kalihim  kaya posibleng makasama sa planong rigodon sa miyembro ng Gabinete.

Itinanggi naman ni Roque na sa susunod na linggo na ang magiging sibakan sa puwesto.

Sinabi ni Roque  ang sigurado ay ang pahayag ng Pangulo na dismayado siya sa performance ng ilang gabinete.

Nauna na ng lumutang ang balitang sibakan sa pwesto matapos ang kontrobersyal na pagkabasura sa Drug case laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pa.

Magugunitang inihayag ng Pangulo na sakaling tuluyang makalaya ang mga itinuturong drug lord ay ipapalit niya sa kulungan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *