Bangsamoro Organic Law at National ID Law nalagdaan na ni Pangulong Duterte

 

Ganap ng batas ang National Identification Law at Bangsamoro Organic Law o BOL matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ceremonial hall ng Malakanyang.

Ang BOL ay ceremonial signing na lamang ang ginawa ng Pangulo sa harap ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front o MILF  dahil nauna na itong pinirmahan sa Mindanao ilang araw matapos ang State of the Nation Address o SONA.

Sinabi ng Pangulo na ang BOL ay isang mahalagang batas tungo sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Inihayag din ng Pangulo na ang National Identification Law ay mahalaga ding batas dahil magbibigay daan ito para mapadali ang transaksyon sa gobyerno.

Inaasahan din ng pamahalaan na mababawasan ang red tape at korapsyon sa pagpapatupad ng National ID law.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *