Bantang pagpapatalsik kay Senate President Vicente Sotto III , hindi makakakuha ng sapat na numero

Hindi raw magtatagumpay ang anunang plano na mapatalsik sa pwesto si Senate President Vicente Sotto III.

Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, walang makukuhang suporta ang sinumang nagbabalak rigodon sa Senado.

Paliwanag ni Zubiri, maayos kasi ang sistema ng kasalukuyang Senate leadership at patas ito kahit pa sa mga miyembro ng oposisyon.

Maganda rin aniya ang performance ng Senado ngayon katunayan maraming naipasang mahahalagang batas ito dahil bago magpasya sa lahat ng isyu ay kinukuha muna ang consensus ng lahat ng miyembro.

Meanne Corvera

Please follow and like us: