Barko nabawi ng India mula sa Somali pirates, mga tripulante nailigtas
Nabawi ng Indian navy ang isang barko mula sa Somali pirates sa baybayin ng India ayon sa militar, nailigtas din nila ang crew nito at tinapos ang tatlong buwan nang pagkakabihag sa Maltese-flagged bulk carrier na MV Ruen.
Ang nangyaring hijacking noong Disyembre, ay ang unang pagkakataon mula 2017 na ang alinmang cargo vessel ay matagumpay na na-take over ng Somali pirates.
Sa post ng Indian Navy sa X (dating Twitter) ay nakasaad, “#IndianNavy thwarts designs of Somali pirates to hijack ships plying through the region by intercepting ex-MV Ruen.”
Ayon pa sa post, “The Indian warship Kolkata ‘in the last 40 hours, through concerted actions’ successfully cornered and coerced all 35 Pirates to surrender & ensured safe evacuation of 17 crew members.”
Kuwento ng Indian Navy, “The vessel opened fire on the warship, which is taking actions (in accordance with) international law, in self-defence & to counter piracy, with minimal force necessary to neutralise the pirates’ threat to shipping and seafarers.”
Ayon pa sa navy, walang isa man sa mga nailigtas na crew ang nasaktan sa ilang araw na operasyon, na isinagawa kasama ang ilang naval vessels, helicopters at iba pang aircraft.
Pinuri naman ng Bulgarian owner na Navibulgar ang pagkakaligtas sa Ruen sa pagsasabing, “it is a major success not only for us, but for the entire global maritime community.”
Dagdag pa nito, “The resolution of this case proves that the security of commercial shipping will not be compromised.”
Sinabi ng Bulgarian Foreign Ministry, na hinihintay na ito ang “mabilis na pagbabalik” ng pitong nailigtas na Bulgarian crew members. Ang iba pang crew ay ang siyam na Myanmar national at isang Angolan national.
Ang binihag na barko ay muling nabawi halos 1,400 nautical miles, o 2,600 kilometres, mula sa Indian coast, ayon sa militar.
Minonitor na ng Indian navy ang MV Ruen mula nang bihagin ito ng Somali pirates 380 nautical miles sa silangan ng Yemeni island ng Socotra noong Disyembre.
Matapos ibigay ng mga pirata sa Indian Navy ang isang Bulgarian sailor na nagtamo ng injury, dinala nila ang MV Ruen at ang natitirang 17 crew nito sa semi-autonomous state ng Puntland sa Somalia, at itinambay ito sa labas ng siyudad ng Bosaso.
This picture shared by the Indian Navy on the X platform on March 16, 2024 shows people on board of the recaptured Maltese ship the MV Ruen, as an Indian Naval helicopter flies overhead. – India’s Navy has recaptured the ship from Somali pirates off the Indian coast on March 16, 2024, rescuing the crew and ending the three-month hijacking of the Maltese-flagged bulk carrier, the Indian Navy wrote on X, formerly Twitter. (Photo by Indian Navy X via AFP / AFP)
Pinalakas ng India ang kanilang anti-piracy efforts nitong nakalipas na mga buwan kasunod ng pagtaas sa bilang ng maritime assaults, sa Arabian Sea at ng Iran-backed Huthi rebels ng Yemen sa Red Sea.
Dumami ang insidente ng pag-atake ng mga pirata sa baybayin ng Somali noong 2022, kung saan ang gunmen ay umabot pa hanggang sa 3,655 kilometro (2,271 milya) mula sa baybayin ng Somali sa Indian Ocean, bago nabawasan nang malaki sa nakalipas na mga taon.
Ngunit ang pag-atake noong Disyembre ay kasunod ng pagtaas ng insidente ng mga armadong pag-atake sa dagat sa paligid ng Horn of Africa na hindi pa nangyari ng kung ilang taon.
Ang kamakailan ay pagtaas ng pirate activity ay lalong nagdulot ng mga alalahanin tungkol sa marine security sa panahong ang mahahalagang trade corridors sa labas ng Yemen ay dumanas ng mga pag-atake.
Tradisyonal na hinahangad ng mga pirata na makabihag ng isang “mother ship,” isang motorized dhow o fishing trawler, na may kakayahang maglayag ng mas malalayong distansya kung saan maaari nilang i-target ang mas malalaking sasakyang pandagat.
Mula nang umatake ang Huthi, maraming cargo ships ang humihimpil sa malayong parte ng dagat upang maghintay ng instructions kung tutuloy ba sila sa Red Sea, na ayon sa mga eksperto ay maaaring maglantad sa kanila sa mga pag-atake.