Batanes provincial gov’t nakatanggap ng ICU beds mula sa US military

Limang ICU beds ang ipinagkaloob ng U.S. Embassy Civil Affairs Team (CAT) sa Batanes para suportahan ang COVID-19 at disaster response efforts sa lalawigan.

Ayon sa U.S. Embassy, nagkakahalaga ang ICU beds ng Php589,000.

Ito na ang ikalawang donasyon ng CAT sa Batanes.

Una nang nag-donate ang US military ng suplay ng COVID-19 personal protective equipment sa probinsya.

Tinanggap ang ICU beds ng Batanes provincial government.

Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, malaking tulong ang donasyon para sa patuloy nilang paglaban sa COVID at sa mga pagtugon sa kalamidad.

Ang U.S. Embassy CAT ay ang dating Civil-Military Support Element. 

Moira Encina

Please follow and like us: