Meralco customers makatatanggap ng refund simula ngayong buwan

Tiniyak ng Meralco na tutugon ito sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibalik sa customers nito ang halos P7.8 bilyon na excess collection.

Kinumpirma ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na natanggap na nila ang kopya ng kautusan ng ERC na may petsang Marso 8 ukol sa refund.

Ayon sa opisyal, ang refund na halos 47 centavos kada kilowatt hour ay nasa hiwalay na line item sa mga bill sa kuryente simula ngayong Mayo.

Katumbas ito ng P93 na refund para sa mga bahay na kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour kada buwan.

Sa direktiba ng ERC, binigyan nito ang Meralco ng susunod na 12 buwan para i-refund ang P7.75 billion na over-recoveries o sobrang koleksyon nito mula 2012 hanggang 2015.

Moira Encina

Please follow and like us: