Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, asahan sa mga susunod na araw

Inaasahang magpapatupad ng rollback o bawas-presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Sa fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines, bababa ng P1.80 ang kada litro ng diesel.

Nasa P2.00 kada litro naman ang tapyas presyo sa gasolina.

Ang rollback ay inanunsyo matapos ang isang linggong price hike.

Nauna nang ipinahayag ng Department of Energy na maaaring magpatupad ng price rollback sa mga produktong petrolyo ngayong linggong ito, epekto ng nagpapatuloy na peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Please follow and like us: