Pinakamataas na bilang ng mga pasahero, naitala ng MRT-3 nitong Biyernes

Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga pasahero ang Metro Railways Transit Line-3 (MRT-3) nitong Biyernes, Abril 1, 2022.

Ayon sa MRT-3 Management, nakapagtala sila ng kabuuang 309,225 pasahero o mga naserbisyuhan ng Libreng Sakay program.

Bago ang Covid-19 Pandemic, pumapalo sa 250,000 hanggang 300,000 ang bilang ng mga pasaherong sumasakay sa MRT-3 kada araw.

Patuloy naman ang paalala ng MRT-3 management na manatiling sumusunod sa ipinatutupad na health protocols gaya ng bawal sa pagsagot sa mga cellphone, pagkain at pakikipag-usap habang nasa loob ng tren.

Ang Free Ride program ng MRT-3 ay tatagal hanggang Abril 30, 2022.

Please follow and like us: