BBM- Sara nanguna rin sa Pulse Asia survey

Maging sa survey ng Pulse Asia, ang tambalang Presidential candidate Bongbong Marcos at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte pa rin ang nangunguna.

Sa ginawang survey ng Pulse Asia noong Enero 19 hanggang 24 na nilahukan ng 2,400 adult respondents, tumaas sa 60% si Marcos bilang most preferred presidential candidate mula sa 53% noong Disyembre ng 2021.

An pag-angat ay naitala sa lahat ng geographic areas sa 53 to 66%at socio-economic groups sa 50 to 61%.

Ayon sa Pulse Asia, pagdating naman sa vice presidential race, nakuha ni Mayor Sara ang “near to huge majority” voter preferences.

Ito ay matapos siyang umakyat sa 50% mula 46% noong December 2021.

Nakuha ni Mayor Sara ang majority ng suporta mula sa geographic areas at socio-economic classes na 47% sa Visayas, 84% sa Mindanao, at 49%hanggang 55% sa bawat socio-economic group.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: