BBM- Sara tandem muling nanguna sa survey ng Publicus Asia

Ang tambalang Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte pa rin ang nanguna sa mga kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente sa pinakahuling independent at non-commissioned survey ng Publicus Asia.

Ang survey ay ginawa mula Marso 9 hanggang 14, 2022 na nilahukan ng 1,500 respondents.

Sa mga presidential aspirants, nakakuha si Marcos ng 55.1%.

Mataas ito ng halos 3% mula sa kanyang preference share na 52.3% sa Pahayag National Tracker 1 na ginawa noong Pebrero.

Bumaba naman ang rating ni Vice President Leni Robredo kung saan mula sa 22.3% noong Pebrero ay 21% na lang sa pinakahuling survey.

Ganoon din si Mayor Isko Moreno na mula sa 8.9% noong Pebrero ay 8.2% na lang ngayong Marso.

Si Duterte naman ay nakakuha ng 56.5% na mas mataas ng 3% kumpara noong nakaraang survey.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: