Dagsa ng International travelers, Inaasahan ng BI ngayong summer season

Inaasahan na ng Bureau of Immigration ang pagdagsa pa ng International travelers sa bansa ngayong summer season.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, sa kanilang pagtaya posibleng abutin ng 12,000 o higit pa ang bilang ng mga dumating na pasahero sa iba’t ibang International airports sa bansa.

Ayon kay Morente, sa unang linggo ng implementasyon nang pinaluwag na travel restrictions, mula sa 6,000 ay tumaas sa 8,000 ang bilang ng dumarating na pasahero kada araw.

Ang mga ito ay kumbinasyon aniya ng mga Filipino at foreign traveler.

Ngayong summer, inaasahan aniyang dadagsain ng mga turista ang mga kilalang tourist destinations sa bansa.

Tiniyak naman ng BI na handa sila sa pagdating ng mas marami pang pasahero kung saan 100 porsyento ng kanilang mga tauhan ay naka duty na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: