BI, itinanggi ang bantang mass leave o resignation ng mga tauhan nito dahil sa isyu ng overtime pay
Itinanggi ng Bureau of Immigration ang sinasabing planong mass leave at resignation ng mga kawani nito sa paliparan kaugnay sa isyu ng overtime pay.
Sa inilabas na statement ng BI, nilinaw nito sa publiko na walang katotohanan ang nasabing report at wala ring nangyaring maramihang pagbibitiw ng mga immigration officer.
Sinegundahan ito ng workers’ union ng BI na buklod and immigration officers association of the philippines at iginiit na walang organisadong balakin ang mga miyembro nila para iparalisa ang operasyon sa mga paliparin.
Kung nagkataon anila na absent o nasa sick leave ang mga miyembro nila sa unyon, ito ay dahil sa wala silang pamasahe papuntang trabaho at hindi dahil sa gusto nilang iwanan ang kanilang gampanin.
Sinabi pa ng BI ang mga immigration counter sa naia ay 90 porsyentong may tauhan.
Ang dami o volume anila ng mga pasahero sa NAIA ngayon ay inaasahan talaga dahil sa long holiday sa susunod na linggo at pagdating ng mga delegado para sa ASEAN summit.
Tiniyak ng BI na mas bubuti ang serbisyo nila sa airport dahil sa deployment ng karagdagang immigration officers.
Ulat ni: Moira Encina