BI Main office, sarado ng dalawang araw para sa disinfection

0-02-06-e9ce40cc1739081cb0b7d0200f0f9d5d738eba83440375e071f102d4e003f0c385b033c5

Simula ngayong araw, pansamantalang sarado ang Bureau of immigration (BI) main office.

Ayon sa BI, ito ay para bigyang-daan ang gagawing disinfection sa kanilang opisina ngayong araw, Marso 15 at bukas Marso 16.

Sinabi ng BI na ito ay bilang pag-iingat pa rin sa Covid-19 lalo na at nagkaroon ng surge ng mga kaso sa bansa.

Pinapayuhan naman ang mga may schedule sa BI sa mga nasabing petsa na magpa-re-book nalang sa oras na magbalik operasyon ulit ang ahensya.

Nilinaw naman ng BI na bukas ang iba pa nilang opisina para tumanggap ng Immigration transactions.

Madz Moratillo

Please follow and like us: