BIFF kinumpirmang naka engkwentro ang military sa Pigcawayan, North Cotabato

Kinumpirma ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na mga miyembro nila ang naka-engwentro ng militar sa Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF, nagsimula ang sagupaan ng kanilang mga miyembro at mga sundalo matapos na una nilang lusubin ang kampo ng tropa ng pamahalaan sa lugar.

Kinumpirma rin ng BIFF na may hawak silang mga guro at estudyante.

Gayunman, hindi umano nila hostage ang mga ito.

Nais lamang nilang makaiwas sa pagpapaulan ng bala ng mga sundalo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *